^

Metro

Top cops ng NCRPO ipakakalat sa lansangan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Top cops ng NCRPO ipakakalat sa lansangan
“It will be a comprehensive security coverage to respond to all peace and security issues, with senior officials of NCRPO going their rounds to closely supervise the deployment and at the same time, ensure that the welfare of our police offi­cers on the ground is also prioritized,” ani Aberin.
STAR / Jesse Bustos

Para sa seguridad sa Kapaskuhan

MANILA, Philippines — Kasama sa ipakakalat sa mga lansangan sa Metro Manila ang mga Philippine National Police (PNP) senior officials ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa komprehensibong tailor-fit security cove­rage ngayong panahon ng Kapaskuhan, ayon kay NCRPO Acting Director  Police Bigadier General Anthony Aberin nitong Biyernes.

“It will be a comprehensive security coverage to respond to all peace and security issues, with senior officials of NCRPO going their rounds to closely supervise the deployment and at the same time, ensure that the welfare of our police offi­cers on the ground is also prioritized,” ani Aberin.

Inatasan din ni Aberin ang lahat ng district directors na tututukan ng mga magagaling na pulis ang mga lugar at kalye upang mai-maiximize ang police visibility upang mapigilan ang anumang krimen at maramdaman ng mga residente at turista ang kaligtasan at seguridad.

Dapat din aniyang i-review ang security assesments,  magkaroon ng serye ng simulation at communication exercises upang masubukan ang kahusayan ng pulisya sa pagtugon sa mga emergency at krimen. Tuloy-tuloy rin ang mga operating unit sa paglulunsad ng mga serye at sabay-sabay na operasyon ng pulisya na proactive na nagta-target sa mga kriminal.

Ang seguridad at kaligtasan ng lahat ang magiging pangunahing prayoridad ng NCRPO sa panahon ng Yuletide Season kaya kasamang naka-deploy ang Acting Regional Director, ang command group at ang Regional Staff.

Dagdag ni Aberin, makikipagtulungan ang NCRPO sa mga lokal na pamahalaan at iba pang partner sa seguridad sa layuning makamit ang tahimik at makabuluhang holidays.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with