1,600 pulis-Quezon City idedeploy sa ‘Ligtas Paskuhan 2024’
MANILA, Philippines — Upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pagdiriwang ng yuletide season sa Quezon City, ikinasa na ng Quezon City Police District (QCPD) ang “Ligtas Paskuhan 2024”.
Ayon kay QCPD acting district director PCol. Melecio Buslig Jr,, halos nasa 1,600 ng kanyang mga tauhan ang ipakakalat sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Makakatuwang ng QCPD sa pagbibigay seguridad ang mga tauhan ng barangay, private security agencies, NGO at mga civilian volunteer organizations.
Ayon kay Buslig, makikita ang mga pulis sa mga simbahan, pangunahing lansangan, mga terminal ng bus, mga istasyon ng MRT at LRT, mga mall, palengke, supermarket/grocery store, community firecracker zones, firecracker display areas at iba pang mga lugar.
Mayroon aniyang 2,915 equipment ang QCPD na kanilang gagamitin sa pagmo-monitor at mabilisang pagtugon sa anumang untoward incident kabilang ang mga motorsiklo, bike, mobile car, bus, trak, ambulansya, base at handheld radio, body-worn camera, drone, at CDM equipment.
- Latest