^

Metro

3 PNP officials binalasa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 PNP officials binalasa
File photo of members of the Philippine National Police in uniform.
The STAR / Ernie Penaredondo, File photo

MANILA, Philippines — Tatlong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang binalasa upang mapunan ang mga posisyong binakante ng ibang nag­retiro.

Batay sa  pinirmahang order ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil kabilang sa mga binalasa sina Brig. Gen. Jerry Protacio, bilang Acting chief Human Rights Affairs Office; Brig. Gen. Neri Vincent Ignacio,  officer-in charge Directorate for Logistics at Brig. Gen. Jericho Baldeo, bilang  deputy director for Information and Communication Techno­logy Management.

Samantala, sinabi ni Marbil na mananatili ang PNP sa pagbibigay proteksiyon sa publiko at peace and order kasunod ng ipinakitang katapangan at dedikasyon ng mga pulis noong Bonifacio Day kung saan lima sa kanila ang nasugatan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Tiniyak naman ni PNP Public Information Office chief, PBGen. Jean Fajardo ng Phi­lippine National Police (PNP), nagsampa na sila ng patong-patong na kaso laban sa mga militante kabilang na ang paglabag sa Batas Pambansa 880 dahil sa kawalan ng permit to rally.

Ipinagharap din aniya ng kasong Direct Assult at Disobedience to a Person in Authority ang mga nanakit sa mga pulis kung saan, isa ang naaresto habang nananatiling at-large ang lider ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at ilang John Does.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with