^

Metro

Rufa Mae Quinto may warrant of arrest

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae Quinto may warrant of arrest
Rufa Mae Quinto

‘Sabit’ sa investments scam

MANILA, Philippines — Pinaaaresto na rin ng korte ang aktres na si Rufa Mae Quinto hinggil sa pagkakasangkot  sa investments scam sa isang beauty clinic na kinasasangkutan din ng dating aktres  at misis ni Parokya ni Edgar voca­list Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda.

Batay sa record ng pulisya, kinasuhan umano si Quinto ng mga investors ng Dermacare beauty clinic, bilang endorser sa Pasay Regional Trial Court.

Nakita sa e-warrant na nasa apat ang warrant of arrest ng aktres na posibleng isilbi anumang araw mula ngayon.

Una nang sinabi ni Chito na hindi sila nakatanggap ng anumang notification mula sa korte na may kasong isinampa laban sa kanyang misis at aminadong nabigla sa pag-aresto dito.

Hiniling na rin ng kampo ni Chito sa korte ang pagbasura ng kaso dahil endorser lamang si Neri at walang kinalaman sa takbo ng ne­gosyo o pangongolekta ng pera.

Ilang araw bago ang paglabas ng resolusyon mula sa Securities and Exchange Commission na nagsasaad na hindi na pinapayagan ang Dermacare na kumuha ng mga investor, naglabas na ng paha­yag si Neri Miranda sa pamamagitan ng Facebook post na hindi na siya affiliated sa nasabing beauty clinic.

Gayunpaman, sa pa­liwanag ni Security and Exchange Commission (SEC) Director Filbert Catalino Flores III, nakipag-ugnayan umano ang celebrity entrepreneur sa mga investor ng Beyond Skin Care, na siyang kumpanyang iniimbestigahan.

Samantala, umugong  din  ang balita na ma­ging ang Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao ay may warrant of arrest dahil franchisee at brand ambassador noong 2022 ng Dermacare.

Subalit wala namang nakikita pang warrant of arrest laban kay Pacquiao.

RUFA MAE QUINTO

SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with