Dagdag–bawas sa presyo ng petrolyo, aarangkada sa unang linggo ng Disyembre
MANILA, Philippines — Muling aarangkada sa unang linggo ng Disyembre ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo.
Ito ay makaraang ianunsyo ng mga kompanya ng langis na may dagdag-presyo sila sa kada litro ng gasolina na aabutin ng 55 centavos hanggang 80 centavos.
Aabutin naman ng 30 centavos per liter ang ibababa sa presyo ng diesel at mula 10 centavos hanggang 30 centavos ang bawas-presyo na ipatutupad sa produktong kerosene kada litro.
Sinasabing ang galaw sa presyuhan ng petrolyo sa nagdaang apat na araw ang ugat ng dagdag-bawas sa petroleum products.
Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.
- Latest