^

Metro

Quiboloy, kalaboso na sa Pasig City Jail

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Quiboloy, kalaboso na sa Pasig City Jail
Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy faces senators for the first time during the public hearing of the Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Wednesday, October 23, 2024.
Senate Public Relations and Information Bureau

MANILA, Philippines — Nakapiit na sa Pasig City Jail Male dormitory si Kingdom of Jesus Christ (KOCJ) founder, Pastor Apollo Quiboloy dahil sa kinakaharap na kasong qualified human trafficking.

Nabatid na dakong alas-5:05 ng hapon nitong Miyerkules nang ilipat ng mga awtoridad si Quiboloy mula sa Philippine Heart Center patungo sa bilangguan matapos ang kanyang medical furlough.

Alinsunod na rin ito sa kautusan ng Pasig City Regional Trial Court na pagkalabas ng ospital at matapos ang pagsusuri dahil sa mabilis na tibok ng puso, ay idiretso na ito sa bilangguan.

Nakasuot ng protective helmet at bullet proof vest si Quiboloy nang dalhin sa bilangguan, kung saan sumailalim rin siya sa medical at booking procedure.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ikukulong ang pastor kasama ang 35 iba pang persons deprived of liber­ty (PDLs), sa isang 20 square meter na selda.

Nabatid na ang naturang piitan ay para lamang sana sa limang preso ngunit kinaila­ngang isiksik dito ang 35 PDLs dahil ang congestion rate ng Pasig City Jail ay nasa 400% na.

Tiniyak naman ni BJMP Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera na walang anumang VIP o special treatment na ibibigay kay Quiboloy at daraan ito sa normal na proseso sa pagtanggap ng PDL.

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with