Guo, hindi pinadalo ng Pasig RTC sa Senate hearing
MANILA, Philippines — Hindi nakadalo si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pinal na pagdinig ng Senado hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) nitong Martes ng umaga.
Mismong ang abogado ni Guo na si Atty. Nicole Jamilla ang nagkumpirma na hindi pinahintulutan ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 ang kanyang kliyente na dumalo sa Senate hearing dahil kailangan nitong dumalo sa bail hearing ng hukuman.
Nauna rito, hiniling ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality sa hukuman na pahintulutan si Guo at kanyang mga kapwa akusado na dumalo sa Senate hearing.
Gayunman, sinabi ng hukuman na hindi nila maaaring pagbigyan ang hiling ng Senado dahil may nakatakda rin silang pagdinig dakong alas-8:30 ng umaga ng Nobyembre 26, hinggil sa kasong kinakarap ni Guo.
Matatandaang si Guo ay nahaharap sa qualified human trafficking case sa Pasig court at graft case sa Valenzuela City court, bunsod nang pagkakasangkot sa mga umano’y illegal activities sa POGO hub sa Bamban, na sinalakay ng mga awtoridad.
- Latest