Taas-presyo ng petrolyo sa sunod na Linggo
MANILA, Philippines — Makaraang patikimin ang mga motorista ng katiting na bawas presyo ng petrolyo ngayong linggo, muli na namang magkakaroon ng oil price hike sa susunod na linggo.
Batay sa abiso ng mga oil companies, sa huling linggo ng Nobyembre ay tataas sa 75 centavos ang kada litro ng gasolina, tataas naman ng 68 centavos ang kada litro ng diesel at nasa 57 centavos naman ang taas sa kada litro ng kerosene.
Sinasabing ang pagtataas ng presyo ay dulot ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia, pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar at ang oilfield outage sa Norway ang ugat ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.
- Latest