^

Metro

Sekyu ng mga malls bawal magsuot ng Christmas costume — PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sekyu ng mga malls bawal magsuot ng Christmas costume — PNP
Sa pagdiriwang ng ika 44 taong anibersaryo ng PNP CSG, sinabi ng hepe nito na si Maj.Gen. Leo Francisco, na hindi maaaring magsuot ng Christmas customes ang mga guwardiya ng mga malls at iba pang pamilihan lalo na ngayong dagsa ang mga mamimili.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Habang papalapit ang Pasko, pinaalalahanan naman ng Philip­pine National Police  Civil Security Group (PNP-CSG) ang mga security agencies ng mga malls at iba pang establisimyento na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng anumang Christmas costumes ng kanilang mga security guards.

Sa pagdiriwang ng ika 44 taong anibersaryo ng PNP CSG, sinabi ng hepe nito na si Maj.Gen. Leo Francisco, na hindi maaaring magsuot ng Christmas customes ang mga guwardiya ng mga malls at iba pang pamilihan lalo na ngayong dagsa ang mga mamimili.

Aniya, maaaring gamitin ng mga kriminal ang pagkakataon upang makapambiktima at makapangloko bukod sa makakasagabal din ito sa pagresponde ng mga security guards sa mga emergency cases.

Binigyan diin ni Francisco na may tamang uniform ang mga security guards at sakaling kailangan ang pagbabago, dapat na humingi ng approval sa PNP-CSG.

Gayunman, kung nais ng mga security guards ng mga malls na ipakita at iparamdam sa publiko at mamimili ang Pasko maaari namang gumamit at magsuot ng Santa hut.

Nakasaad aniya ito sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act 5487 o Private Security Agency Law. Maaaring patawan ng parusa ang security agency ng security guards na lalabag hanggang sa kanselahin ang kanilang permit.

Nilinaw ni Francisco na dapat na nakatuon lamang sa seguridad ng lugar at ng mga mamimili, maayos na daloy ng traffic sa mga malls at pagkontrol sa paglabas at pagpasok ng mga sasakyan ang trabaho ng mga security guards.

Maaari ring magbigay ng assistance ang mga security guards sa mga customers na nanga­ngailangan ng tulong. Ani, Francisco ang mga security guards ay  mga  force multipliers.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with