^

Metro

Mayor Joy tinanggap CSC Presidential Lingkod Bayan Award

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy tinanggap CSC Presidential Lingkod Bayan Award
Mayor Joy Belmonte.
Mayor Joy Belmonte / Facebook Page

MANILA, Philippines — Dahil sa ipinakitang dedikasyon bilang isang lingkod bayan,  pinarangalan muli si   Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang regional winner at semifinalist para sa national level ng  Presidential Lingkod Bayan Award.

Tinanggap ni Belmonte ang parangal mula sa Civil Service Commission kasama ang kanyang ama na si dating Mayor at House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte.

“Lubos tayong nagpapasalamat sa CSC-NCR sa pagkilalang ito na nagpapatibay na ang ating mga proyekto’t programa para sa mga QCitizens ay tunay na epektibo.This will further inspire us to continue striving for good governance and excellence in public service,” ani  Mayor Joy.

Ayon sa  CSC-NCR, napili si Belmonte  dahil sa kanyang exemplary work ethic at professionalism at nagsilbing halimbawa para makamit ang tagumpay  sa pagganap hinggil sa community  green at environmental initiatives na kanyang pinangunahan.

Ilan taon ding kinilala si Belmonte bilang  regional winner at national semifinalist para sa Presidential Lingkod Bayan Award dahil sa kanyang  commitment na protektahan at pangalagaan ang karapatan ay kapakanan ng mahihirap na mamamayan laluna ng mga kabataan at kababaihan.

Ang Quezon City ang nag-iisang LGU sa NCR na nakakuha ng tatlong parangal kabilang ang Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia at Quezon City University (QCU) President Dr. Theresita Atienza ay kinilala bilang  CSC Pag-asa Awardees.

AWARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with