CICC sa mga na-scam: ‘Huwag magreklamo sa social media’
MANILA, Philippines — Huwag magreklamo sa social media dahil wala itong maitutulong sa sinumang biktima ng scam.
Ito naman ang binigyan diin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) bunsod ng pagpo-post ng ilang biktima ng scam sa social media.
Ayon kay CICC executive director Alexander Ramos, maaring makipag-ugnayan o tumawag sa kanila ang mga na-scam upang maimbestigahan ang reklamo at iwasan ilabas sa social media ang reklamo.
Bunsod ito sa naging problema ng isang e-wallet at nag-viral ang hinaing ng mga user sa social media.
May posibilidad na samantalahin ng mga manloloko ang sitwasyon.
“We encourage the public to please report to CICC if they were affected by the recent e-wallet loses. We may be able to assist them if they call 1326 so they can be assisted in the investigation instead of posting their loses in social media,” saad ni Ramos.
Sinabi naman ng CICC na nakikipag-ugnayan na rin sila sa e-wallet app para malaman kung papaano makatulong sa mga naapektuhan ng hindi awtorisadong fund transfer.
Dagdag ng CICC, kailangan lamang ang koordinasyon at pasensiya ng mga nabibiktima.
- Latest