Mag-live in partner minartilyo, sinaksak patay
MANILA, Philippines — Pinagpupukpok ng martilyo at pinagsasaksak ang mag-live in partner ng umano’y kanilang tropa Huwebes ng gabi sa Sta. Ana Maynila.
Kinilala ng mga kapitbahay ang mga biktima sa alyas Rodrigo, 68 at alyas Emelita, 56, residente ng no. 2325 Interior 2, Pasig Line, Sta. Ana, Maynila.
Dalawa ang sinasabing suspek sa pamamaslang na isa ay kinilala sa alyas Banjo, 32.
Batay sa nakalap na impormasyon at kuha ng CCTV ng Barangay, alas :45 ng gabi ng Nobyembre 7 naganap ang krimen at kinabukasan alas 6:40 ng umaga, Nobyembre 8 nang madiskubre naman ng pamangkin ng mga biktima ang insidente.
May tama ng martilyo sa ulo ang babae at palo ng martilyo sa ulo at saksak ang lalaki.
Bago ito, nakita sa CCTV na aligaga ang mga suspek na mistulang tumitiyempo para pasukin ang bahay ng magka live-in.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo kung saan isa ang iligal na droga.
Lumilitaw na kilalang magulo ang bahay ng mga biktima at puntahan umano ng mga drug addict.
Sa katunayan isa umano sa mga suspek ay dating nakatira sa bahay ng mga biktima .
Nadiskubre ang bangkay ng mga biktima nang walang sumasagot sa kabila ng sunud sunod na mga taong kumakatok at naghahanap.
Nang mapadaan ang pamangkin ng mga biktima doon na lamang nadiskubre ang insidente.
Narekober angginamit na martilyo sa krimen.
- Latest