Company driver timbog ng NBI sa pagbebenta ng droga
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation -Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) ang isang company driver sa Valenzuela City dahil sa pagbebenta ng illegal drugs.
Kinilala ni NBI director Jaime Santiago ang suspek na si Jjoandro Daet Castillo alyas Jay, company driver ng Convalesce Inc na sinasabing nagbebenta ng droga tulad ng shabu sa loob ng kumpanya sa barangay Parada Valenzuela City.
Sinasabing naaresto ang suspek makaraang malaman ng kompanya ang ilegal na gawain ng driver na maaaring makaapekto sa trabaho at kaligtasan ng kanilang mga empleyado dahil sa posibleng pagkalat dito ng droga.
Ang suspek ay naaresto ng mga elemento ng NBI-DDD sa pakikipagtulungan ng PDEA, PNP at representatives mula sa National Prosecution Service-Department of Justice .
Si Castillo ay kakasuhan ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest