^

Metro

7 OVP officials, isinailalim ng DOJ sa ILBO

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
7 OVP officials, isinailalim ng DOJ sa ILBO
Ayon kay DOJ Assistant Secretary at spokesperson Jose Dominic F. Clavano IV, kasama sa mga opisyal na isinailalim sa ILBO sina OVP Chief of Staff, Undersecretary Zuleika Lopez; Assistant Chief of Staff and Bids and Awards Committee Chair Lemuel Ortonio; Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta; Chief Accountant Juleita Villadelrey; dating DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda, at SDO Edward Fajarda.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Isinailalim na ng Department of Justice (DOJ) sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang pitong opisyal ng Office of the Vice President (OVP) upang ma-monitor ang kanilang mga biyahe.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary at spokesperson Jose Dominic F. Clavano IV, kasama sa mga opisyal na isinailalim sa ILBO sina OVP Chief of Staff, Undersecretary Zuleika Lopez; Assistant Chief of Staff and Bids and Awards Committee Chair Lemuel Ortonio; Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta; Chief Accountant Juleita Villadelrey; dating DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda, at SDO Edward Fajarda.

Ani Clavano, ang kautusan ay nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla kahapon ng umaga lamang.

Kaagad namang nilinaw ni Clavano na kahit nasa ilalim na ng ILBO ay maaari pa ring makalabas ng bansa ang mga naturang opisyal.

Gayunman, isasailalim aniya ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga biyahe sa masusing monitoring.

“The Secretary has signed the ILBO, which will enable the BI to monitor the travel activities of these seven OVP officials. It’s important to clarify that the ILBO does not restrict their travel but simply monitors if they leave or re-enter the country,” paliwanag pa ni Clavano .

Nakatakda na aniyang ipadala ang naturang kautusan sa BI para sa agarang implementasyon nito.

Una nang humiling ng ILBO si Representative Joel Chua, chairman ng House committee on good government and public accountability, laban sa mga naturang opisyal, matapos na isnabin ang subpoena sa isinasagawang imbestigasyon ng Kamara hinggil sa paggamit ng OVP ng kanilang budget, kasama na ang panggastos ng confidential funds.

Kinumpirma na rin ng OVP na nagtungo sa Amerika si Lopez noong Nobyembre 4 para sa isang personal trip, na aprubado ni Vice President Sara Duterte, at nakatakda itong bumalik sa Pilipinas sa Nobyembre 16.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with