^

Metro

Higit 18,000 pulis ikakalat sa Undas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit 18,000 pulis ikakalat sa Undas
A man visits his relatives’ graves at the Manila North Cemetery yesterday ahead of All Souls’ Day.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 18,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) upang masi­guro ang kaligtasan sa mga transport terminals, lansa­ngan at sementeryo ngayong Undas.

Ayon kay PNP spokesperson PBrig. Gen. Jean Fajardo, nakahanda na ang plano at sistema ng PNP sa Undas kabilang ang inaasahang pag­dagsa ng mga dadalaw sa sementeryo.

“Kasama sa 18,802  na ide-deploy ang itatalaga sa mga  police assistance desk sa mga memorial parks, at sa mga sementeryo, at pati na rin po sa mga transport terminals tmake sure po na maalalayan po natin ‘yong mga kababayan natin na ine-expect po na magbabiyahe,” ani Fajardo.

Nilinaw ni Fajardo na nasa kamay na ng mga regional directors kung dapat na i-adjust ang alert level sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa kani-kanilang nasasakupan.

Paalala ni Fajardo, maging maingat at siguraduhin na naka-lock ang mga bahay at gumamit ng alarm system kung kinakailangan. Makabubuti aniya kung iiwasan ding mag-post sa anumang social media platforms ng “at the moment” activities upang maiwasan na mabiktima ng “akyat bahay” o anumang criminal group.

Sa Metro Manila, una nang intasan ni NCRPO chief PMaj. Gen. Sidney Hernia ang kanyang mga chief of police na siguraduhin ang kaligtasan at kaayusan ng mga tao sa loob at labas ng mga sementeryo.

vuukle comment

JEAN FAJARDO

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with