^

Metro

P103 bilyong Las Piñas-Parañaque reclamation project, hinirit sa DENR na ituloy na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Las Piñas City Councilor at congressional candidate Mark Anthony Santos na ituloy na ang naantalang P103.8 bilyong Las Piñas-Para­ñaque Coastal Bay Reclamation Project ng national government.

Batay sa desisyon ng Supreme Court En Banc noong Oktubre 21, 2021, sa botong 11-2, pinaboran nito ang reclamation ng Manila Bay coastline ng Las Piñas-Parañaque, dahil hindi sapat na napatunayan na may banta ito sa kapaligiran.

Noong 2009, iminungkahi ng Alltech Contractors ang proyekto sa 321.26 ektarya ng lupa sa mga baybayin ng Las Piñas at 174.88 ektarya sa Parañaque, na ina­prubahan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) noong 2010.

Sa parehong taon, nagsumite ang Alltech ng isang amended environmental performance report management plan (EPRMP) na nagpalawig sa saklaw ng proyekto sa 203.43 ektarya sa Para­ñaque at 431.71 ektarya sa Las Piñas.

Nag-isyu naman ang DENR-Environmental Management Bureau ng environmental compliance certificate (ECC) para sa nasabing proyekto taong 2011 matapos maiprinta ng Alltech ang siyentipikong pag-aaral ng mga eksperto kaugnay sa posibleng idulot na flooding at flushing.

Nagpalabas din ng pabor na resolusyon ang city councils ng Las Piñas at Parañaque na nagpapahin­tulot na i-explore ng mga alkalde nito ang panukala sa pamamagitan ng joint venture agreement (JVA).

Sinusuportahan din ng kasalukuyang konsehal ng lungsod ang reclamation project na nagsasabing higit pa sa pagtaas ng panganib ng pagbaha, makakatulong ito sa pagkakaroon ng trabaho at pagtaas ng kita para sa lungsod.

vuukle comment

DENR

EPRMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with