^

Metro

MMDA sa mga kandidato: ‘Wag mangampanya sa sementeryo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA sa mga kandidato: �Wag mangampanya sa sementeryo
Nagsimula nang maglinis ng mga puntod ang mga caretakers sa Manila North Cemetery kahapon bilang paghahanda sa nalalapit na Undas. Inanunsyo kahapon ng Manila-LGU na bukas sa publiko ang Manila North at South Cemeteries mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2024 bilang paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato sa 2025 Midterm elections na iwasang mangampanya at sa halip ay ibigay ang panahon at oras sa namayapa at mga pamilya nito.

Ginawa ni MMDA Chairman Artes ang apela kasabay ng kanyang pulong sa mga kinatawan ng 17 local government units (LGU) sa Metro Manila at ilang concerned government agencies sa pagsa­sapinal ng “Oplan Undas 202” nitong Oktubre 18.

“Ako naman po ay naniniwala na may sense of decency pa rin ang mga pulitiko na hindi nila sasamantalahin ang pagkakataong ito..,”ani Artes.

Dapat din aniyang, sumunod sila sa itinakdang regulasyon ng local government units (LGUs) para sa kaayusan at kapayapaan sa mga sementeryo.

Una nang nagpaalala ang Manila City go­vernment na “no private or political groups may hold events to ensure a solemn commemoration of All Souls Day.”

Kabilang sa priority areas ang limang public cemeteries na kinabibilangan ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Bagbag Public Ce­metery in Quezon City, Loyola Memorial Park sa Marikina, at  San Juan Public Cemetery na tututukan ng mga awtoridad at MMDA.

Gayunman, papayagan naman ang paglalagay ng tent ng mga pulitiko na mamimigay ng pagkain at inumin.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with