^

Metro

Higit P2 taas-presyo sa petrolyo, lalarga uli

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit P2 taas-presyo sa petrolyo, lalarga uli
Nabatid na inaasahang magkakaroon ng higit P2 taas-presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
The STAR/Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Pasakit na naman sa mga motorista ang nakaambang malakihang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Nabatid na inaasahang magkakaroon ng higit P2 taas-presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa abiso ng mga kompanya ng la­ngis, aabutin ng mula P2.30 hanggang P2.50 ang dagdag-presyo  sa kada litro ng gasolina samantalang mula P2.50 hanggang P2.70 taas presyo sa kada litro ng diesel.

Tataas din ng mula P2.45 hanggang P2.55 kada litro sa presyo sa kerosene.

Sinasabing ang big-time oil price hike sa susunod na linggo ay dulot ng tumitinding tensiyon sa Middle East, production cuts at unplanned refinery outages sa Indonesia at Malaysia at ng  hagupit ng “Hurricane Milton” sa ilang bahagi ng Amerika.

Ang oil price adjustment ay naipatutupad tuwing araw ng Martes.

vuukle comment

PETROLYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with