^

Metro

Mag-iinang Aguilar sanib-pwersa, naghain ng COC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mag-iinang Aguilar sanib-pwersa, naghain ng COC
Incumbent Las Piñas Mayor Imelda Aguilar and Vice Mayor April Aguilar submit their certificates of candidacy on October 7, 2024 for the 2025 national and local elections.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Opisyal nang naghain ng Certificates of Candidacy (COCs) ang mag-iinang sina incumbent Mayor ­Imelda “Mel” Aguilar, Vice Mayor April Aguilar, at Alelee Aguilar-Andanar para sa 2025 national at local elections kahapon, Oktubre 7.

Si outgoing Mayor Mel ay tatakbo bilang Bise Alkalde, habang si April ang nag-aasam na hahalili sa iiwang posisyon ng kanyang ina bilang mayor ng Las Piñas.

Para sa unang pagtatangka, si Alelee Aguilar ay tatakbo naman bilang Konsehal ng 1st District ng Las Piñas.

“Sa mga nakaraang taon, malaki ang naging pagbabago sa ating lungsod. Mula sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng Green Card program hanggang sa pagtatayo ng bagong College of Engineering ng Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College, kasama mo kaming magpapatuloy sa pagsulong ng mga programang ito para sa mas progresibong Las Piñas,” ayon sa alkalde.

Tiwala naman si VM April sa kanyang kakayahang mamuno, at naghayag ng kanyang pananaw para sa hinaharap.

“Bilang inyong Vice Mayor, nakita ko ang mga hamon at pangangailangan ng ating komunidad. Sa aking pagtakbo bilang Mayor, ang aking layunin ay palakasin pa ang mga programa sa edukasyon, kalusugan, at kaligtasan. Magpapatuloy tayo sa pakikipagtulungan sa mga ahensya tulad ng MMDA at DPWH upang tugunan ang problema sa trapiko at pagbaha sa ating lungsod.”

“Bilang isang Aguilar, kasama ninyo akong magtatrabaho para sa ikabubuti ng ating lungsod. Nakikita ko ang pangangailangan ng ating mga kabataan at mga pamilyang gumaganap ng trabaho at edukasyon. Aking isusulong ang mga programang tutugon sa mga ito,” ani Alelee na naghayag ng kanyang pananabik at dedikasyon sa serbisyo publiko.

Dagdag pa niya, na itutuloy ang pangarap ng yumaong ama na si Mayor Nene Aguilar sa mga proyekto ng reclamation na magbibigay ng mara­ming trabaho para sa mga Las Piñero, mga proyekto sa imprastraktura at dagdag na budget para sa mga pangunahing serbisyo.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with