Klase sa Maynila suspendido ngayong Biyernes
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang suspensiyon ng klase sa lahat ng public daycare centers, elementary, at high school levels sa lungsod, gayundin sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM) ngayong Biyernes, Oktubre 4.
Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National at World Teachers’ Day.
Nabatid na nilagdaan ni Lacuna ang Executive Order No. 33 kahapon upang kilalanin ang efforts ng public school teachers sa lungsod at pagkalooban sila ng wellness day.
Hiniling na lamang ng alkalde sa mga guro na magbigay ng activity sheets o modules para sa intended lesson sa nasabing araw.
Nabatid na hindi naman sakop ng kautusan ang mga pribadong paaralan, ngunit hinikayat ang mga ito na bigyan din ng kahalintulad na parangal ang kanilang mga guro.
“The mayor also encouraged private schools, colleges, and universities, as well as state colleges and universities in Manila to give the same honor to their faculty,” anang Manila PIO sa isang kalatas.
- Latest