^

Metro

Misis tinodas sa utang na P400

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Misis tinodas sa utang na P400
Idineklarang dead on arrival sa Rosario Maclang Hospital ang biktimang si Catherine Ramirez Madrid, 43, residente ng Sitio San Gabriel, Brgy Batasan Hills, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang streetsweeper matapos na saksakin ng may-ari ng kanyang inuupahang bahay habang nagwawalis sa kalsada kahapon ng umaga sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa Rosario Maclang Hospital ang biktimang si Catherine Ramirez Madrid, 43, residente ng Sitio San Gabriel, Brgy Batasan Hills, Quezon City.

Nasa kustodiya  naman ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang suspek na si Guillermo Pialago Agravante, Sr. 76, biyudo, ng 21-D Area Talanay, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa Kagawad Road corner Roadman Street, Brgy Batasan Hills, Quezon City.

Nagwawalis sa nasabing lugar ang biktima nang bigla na lamang lapitan ng suspek at sinaksak.

Agad na tumakas ang suspek dala ang patalim na ginamit.

Lumilitaw na dating nangungupahan ang biktima kasama ang live-in partner na si Jonathan Meneses Cajuto sa pinauupahang bahay ni Agravante.

May naiwang utang na P400 ang biktima sa suspek na paulit ulit nitong sinisingil.

Ayon sa pulisya posibleng ikinagalit ng suspek ang hindi pagbabayad ng biktima ng utang.

Sa follow up operation nadakip ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong murder.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with