^

Metro

Mahusay na healthcare program sa Pasig, bigong maibigay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinisilip ng isang dating director ng Lung Center of the Philippines (LCP) ang kabiguang maipatupad ang healthcare program sa Pasig City kabilang na ang kakulangan ng mga doctor at pasilidad.

Ayon kay Dr. Fernando Melendrez, dating director ng nasabing ospital, nananatiling bigo ang Pasigueño sa pangakong mapapahusay na ang mga programang pangkalusugan sa nakalipas na limang taon, tulad din sa mga naitatag ng mga nagdaang alkalde na sina Enteng at Bobby Eusebio.

Sinabi niya na isa sa naipa­ngako ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa Pasigueño noong 2018 na bibigyang prayoridad ang mas mahusay na health program.

“Umasa ang mamamayan ng Pasig at matapos ang limang taon ay tila napako na sa limot ang pangako,” ani Melendrez.

Ang Republic Act 11223  o Universal Health Act ay naisabatas noong Hulyo 2018 , kung saan nakapaloob ang karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng maayos na kalusugan.

Isa sa inirereklamo ang kakulangan ng doctor sa lungsod na isa lamang para sa 20,000 pasyente na malayo sa ideal ratio na isang doctor sa 4,500 na pasyente.

Hindi rin natugunan ang Primary Care o alagang pangkalusugan na hindi kaila­ngan ang ospital tulad ng pagkakaroon ng health centers sa bawat barangay.

Kasama rito, ayon kay Melendrez, ang ’accident and emergency care,’ ang ‘diagnosis and treatment,’ preventive (vaccination) etc, promotive (health diet and lifestyle) rehabilitative, pallative, pre-natal at post natal care at nutrition support, na mahalaga lalo na sa mahihirap na pamilya.

Paglilinaw niya, ang pahayag ay personal at wala siyang planong pumasok sa pulitika.

LCP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with