^

Metro

Lalaki tinodas ng 5 katropa, ibinaon sa poso-negro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lalaki tinodas ng 5 katropa, ibinaon sa poso-negro
Illustration map of Pasig City
Philstar.com

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang pinagtulungang patayin ng kanyang mga sariling barkada at saka inilibing sa isang poso-negro sa Pasig City.

Sakal at mga saksak ng screw driver ang ikinasawi ng biktimang si alyas ‘Nelson,’ habang arestado naman ang apat sa limang kaibigan niya na itinuturong siyang gumawa ng krimen.

Tumanggi muna ang mga awtoridad na pangalanan ang mga suspek.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, may ilang araw na ang nakakaraan nang pinagtulungan umano ng mga suspek na patayin ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal at pananak­sak ng screwdriver sa Pasig City.

Nang matiyak na patay na, ibinalot ang bangkay ng biktima sa kumot, inihulog sa butas ng isang poso-negro at saka ito sinimentuhan upang itago ang krimen.

Natuklasan lamang ang pagpatay sa biktima matapos na isang impormante ang nag-tip sa mga awtoridad.

Nabatid na tatlo sa mga suspek ang naaresto sa magkahiwalay na follow-up operation matapos na madiskubre ang bangkay habang ang isa naman ay nadakip sa Masbate.

Ayon sa pulisya, dalawa ang motibong nakikita nila sa krimen kabilang ang love trian­gle dahil natuklasan umano ng isa sa mga suspek, na nais ng biktima na makipagbalikan sa kanyang dating kinakasama, na nobya na nito ngayon.

Tinitingnan din umano nila ang kasong ile­gal na droga matapos makumpirmang sangkot ang grupo sa illegal drug activities.

Sinasabing naghihinala ang mga suspek na ang biktima ay isang police asset at nagsusuplong sa mga awtoridad hinggil sa kanilang ilegal na gawain.

Kasalukuyan pa namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang ikalimang suspek sa krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with