^

Metro

Lalaki binaril sa hotel sa Maynila, patay!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lalaki binaril sa hotel sa Maynila, patay!
Kinilala ang biktimang si Dagaranao Didato, residente ng Alabastro St., San Andres Bukid, Manila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 37-anyos na lalaki nang barilin ng nakaalitan sa entrada ng isang hotel, sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Dagaranao Didato, residente ng Alabastro St., San Andres Bukid, Manila.

Mabilis namang nadakip ang suspek na si Raymond Romano, 40-anyos, residente ng Barangay Sto. Cristo, Towerville, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Barbosa Police Station, naganap ang insidente alas-10:50 ng gabi ng Setyembre 22 sa entrance ng Shariff Mansion, sa Gunao St., Quiapo, Maynila.

Nagkataon na nagpapatrolya sa lugar ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) nang makarinig sila ng putok ng baril. Nang kanilang puntahan ay namataan nila ang isang lalaking tumatakbo na may hawak na baril kaya agad nilang hinabol hanggang sa makorner.

Naisugod pa sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Ang insidente ay nasaksihan umano ng tiyuhin ng biktima na nagsabing binaril ng suspek ang pamangkin habang nakatalikod at sinundan pa ng tatlong putok.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with