^

Metro

P11.8 milyong halaga ng counterfeit products, nasamsam ng NBI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P11.8 milyong halaga ng counterfeit products, nasamsam ng NBI
Ang hakbang ay ginawa ng NBI bilang tugon sa reklamo ng kompanyang Lee Bumgarner Inc dahil apektado na ang negosyo ng kanilang mga kliyente hinggil sa mga naglipanang pekeng Vans at Crocs products tulad ng footwear at slippers.
STAR / File

MANILA, Philippines —  Nasamsam ng mga elemento ng National Bureau of Investigation-Natio­nal Capital Region (NBI-NCR) kasama ang NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD) ang may P11.8 milyong halaga ng mga counterfeit products sa anim na establisimyento sa Caloocan, Malabon at Valenzuela  at apat na establisimyento sa Pasay.

Ang hakbang ay ginawa ng NBI bilang tugon sa reklamo ng kompanyang Lee Bumgarner Inc dahil apektado na ang negosyo ng  kanilang mga kliyente hinggil sa  mga naglipanang pekeng  Vans at Crocs products tulad ng footwear at slippers.

Makaraang isilbi din ang search warrant, apat pang establisimyento ang ginalugad ng NBI sa Pasay City at dito nasamsam din ang mga pekeng Vans at Crocs pro­ducts.

Ang mga may-ari ng mga pekeng produkto ay kakasuhan ng paglabag sa Trademark Infringement sa ilalim ng  R.A. No. 8293.

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with