^

Metro

Actor na si Ricardo Cepeda nakalaya na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang halos isang taong pagkakakulong,  nakalaya na ang aktor na si Ricardo Cepeda nang magpiyansa sa kasong estafa.

Batay sa social media post ng aktres na si  Marina Benipayo at misis ng aktor, makikita ang pagsasayaw nila ni Cepeda sa kantang “Don’t Be Cruel” ni Elvis Presley.

Labis ang saya ni Benipayo nang makapiling ang asawa na 11 buwang nalayo sa kanila.

Nagpahatid din si Benipayo ng pasasalamat sa mga nagpaabot ng dasal sa kanila.

Matatandaang Oktubre 2023 nang  maaresto ang actor sa Caloocan City dahil sa reklamong estafa.

Ikinulong ang actor sa Cagayan Provincial Jail sa lungsod ng Tuguegarao City sa Cagayan.

Paliwanag ng actor na endorser lamang siya ng produkto ay hindi siya direktang konektado kaya nagtataka ito kung bakit siya nadawit.

Nagpadala naman ng pagbati ang ilang mga showbiz personalities ang social media post ni Benipayo.

vuukle comment

RICARDO CEPEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with