^

Metro

22-anyos kinatay ng 4 na technician

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
22-anyos kinatay ng 4 na technician
Dead-on-arrival sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktimang si Andrew Payungayong Fulgencio, 22, at residente ng Saint Vincent St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang binata ang pinagsasaksak ng apat na aircon technician sa loob ng kanyang bahay kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktimang si Andrew Payungayong Fulgencio, 22, at residente ng Saint Vincent St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Agad namang naaresto nina  PSSg. John Vincent Vero, Pat. Chester Ian Yaranon at Pat Aljiber Talib ang mga suspek na sina Junrex Dumale Cariaga, 27;  Maryhun Bacor Patimo, 30; Kenny Aguanta Borja, 22, at Rey Ortiz Dagante, 29, pawang aircon technician.

Batay sa report ng Holy Spirit Police Station 14 ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang insidente bandang alas-4 ng madaling araw nitong Lunes sa mismong bahay ng biktima.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ni PSSg Jomar A Pallado na humingi ng saklolo si Alvin, ama ng biktima matapos na pagsasaksakin ng mga suspek ang kaniyang anak sa loob mismo ng tahanan nito.

Agad na nagreponde ang mga awtoridad at inaresto ang mga suspek na naabutan sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek sa motibo ng pananaksak.

Inihahanda na ang kasong homicide laban sa mga nabanggit na mga suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with