^

Metro

Sunog sumikláb sa PGH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumikláb sa PGH
Patients and their companions evacuate as firefighters respond to a second alarm fire at the Philippine General Hospital in Manila on September 16, 2024.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sumiklab ang sunog sa Philippine General Hospital sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma ng alas-6:07 ng umaga, at ikalawang alarma pagsapit ng alas-6:21 ng umaga.

Naapektuhan sa sunog ang audio visual room ng ospital gayundin ang Out Patient Department (OPD) ng PGH, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Kinailangang ilikas ang mga pasyente sa OPD na ang ilan ay naka-stretcher at wheelchair.

Kinailangan ding ilikas ang blood donors sa kabilang gusali ng compound dahil na rin sa sunog at usok.

Samantala,sinabi ng Department of Health na handa nitong tulungan ang PGH sa paglilipat ng mga pasyente kung kinakailangan.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa BFP, nagsimula ang sunog sa isang silid sa ikalawang palapag ng Central Block Building.Idineklarang fire out pasado alas-7:00 ng umaga.Pinayagan ding bumalik ang mga pasyente sa OPD pagsapit ng alas-7:23 ng umaga.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with