^

Metro

P15 milyong LPG tank, equipment nasamsam ng PNP-CIDG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P15 milyong LPG tank, equipment nasamsam ng PNP-CIDG
Ang ilan sa mga nasamsam ng LPG tank at mga kagamitan na nagkakahalaga ng P15-M.

MANILA, Philippines — Sa pag-init ng pagbabantay laban sa illegal na aktibidad sa Liquefied Petroleum Gas industry, nagsagawa na ng mga pagsalakay ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bataan at Rizal kung saan umabot sa milyun-milyong piso ang halaga ng kanilang nasakoteng ilegal na LPG cylinder nitong Agosto.

Sa isang entrapment operation sa Antipolo, Rizal noong August 9, nakakumpiska ang mga operatiba ng CIDG sa pangunguna ni PNP Captain Ringo Medalla ng 50 LPG cylinder na illegal na tinatakan bilang Petron Gasul, ­Fiesta Gas, at Solane. Nasakote rin ang mga LPG refilling equipment na kinabibilangan ng ng mga compressor, filling hoses, weighing scale, mga sasakyan, na umaabot sa halagang P14 milyon. Naaresto sa naturang operasyon ang 8 suspek na ngayon ay nakakulong na sa CIDG custodial facility sa Rizal.

Kaugnay nito, sa isang kahiwalay na entrapment operation noong August 2 sa Abucay, Bataan, nasa 500 cylinder naman na may tatak ding brand tulad ng Petron Gasul, Fiesta Gas, at Solane, mga LPG equipment na tinatayang aabot sa halagang P800,000 ang nakumpiska ng CIDG team sa pangunguna ni PNP-CIDG Bataan Provincial Chief Jhon Carlo Mindanao. Nasamsam rin sa operasyon ang isang LPG tanker at Mitsubishi van.

Naaresto dito ang 8 katao na huli sa aktong nagre-refill ng Petron at Solane LPG tanks nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa brand owner at walang kaukulang permit mula sa Department of ­Energy (DOE). Ang mga naaresto ay dinala sa tanggapan ng CIDG office pati na ang mga nakumpiskang ebidensya para sa karampatang disposisyon.

“Ang mga entrapment operation na ito ay nagpapakita ng aming matibay na commitment para istriktong ipatupad ang LPG Law at tiyakin ang kaligtasan at kalidad ng mga produkto gayundin ay upang matiyak na mananaig ang ethical business practices sa buong LPG sector. Kasama ang  DOE, patuloy naming hahabulin ang mga nagsasagawa ng ilegal na operasyon na lumalabag sa batas at nagdudulot ng seryosong panganib sa buhay at kabuhayan,” ani PNP-CIDG Director PMajor Gen. Leo Francisco.

Samantala, sinabi naman ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na, “Sa paglaban natin sa ilegal na gawain sa LPG trade, mahalagang may kolaborasyon at pagtutulungan ang mga ahensya ng gobyerno. Pinapalakpakan natin ang pagsisikap ng PNP kasabay ng aming pangakong lalo pang pahihigpitin ang pagbabantay kasama nila.

Nauna rito, lumagda ang PNP at DOE sa isang memorandum of agreement (MOA) na istrikong ipatutupad ang implementasyon ng Li­quefied Petroleum Industry Regulation Act (LIRA) para sa kaligtasan ng mga konsyumer.

Sa ilalim ng LPG Law, magpapatupad ng mas istriktong kaparusahan sa mga lalabag tulad ng underfilling, hoarding, at paggamit ng substandard na cylinder gayundin ang pag-operate nang walang balidong lisensya. Ang mga illegal na refillers ay maaring mapagmulta ng P25,000 hanggang P100,000 bawat cylinder at maaari ring makulong mula 6 hanggang 12 taon.

vuukle comment

CIDG

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with