^

Metro

3 Chinese arestado sa pambubugbog, pagnanakaw sa kanilang kababayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 Chinese arestado sa pambubugbog, pagnanakaw sa kanilang kababayan
Ayon sa ulat ng Sou­thern Police District (SPD), nakapiit na sa Pasay City custodial facility ang mga suspek na sina alyas “Shipeng,” 32, alyas “You Liang,” 36, at alyas “Hai Tao,” 29, pawang pansamantalang naninirahan sa Maynila, matapos ireklamo ng isang alyas “Chenghuan”, Chinese national, 25.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong Chinese nationals ang inaresto ng mga awtoridad nang magpasaklolo ang isa nilang kababayan na ginulpi at pinagnakawan pa umano ng higit P300-libo sa pamamagitan ng online transaction, kamakalawa ng gabi, sa Pasay City.

Ayon sa ulat ng Sou­thern Police District (SPD), nakapiit na sa Pasay City custodial facility ang mga suspek na sina alyas “Shipeng,” 32, alyas “You Liang,” 36, at alyas “Hai Tao,” 29, pawang pansamantalang naninirahan sa Maynila, matapos ireklamo ng isang alyas “Chenghuan”, Chinese national, 25.

Sa imbestigasyon, dakong alas- 8:40 ng gabi ng Agosto 26, nang maganap ang insidente sa tinutulu­yan ng biktima, sa Barangay 5, Pasay City.

Pinuntahan ng tatlo ang biktima at pinagsasaktan bago pwersahang kinuha ang kaniyang perang P310,000.00 sa pamamagitan ng online transaction.

Nakahingi ng saklolo sa security personnel ng gusali ang biktima at itinawag sa Pasay Police Substation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober din ang dalawang fan knife ng mga suspek at 3 cellphone.

Mahaharap sa reklamong robbery at physical injury ang mga suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with