^

Metro

Ginang, 1 pa arestado sa P1 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ginang, 1 pa arestado sa P1 milyong shabu
Kinilala ni QCPD Director PBGen Redrico A. Maranan, ang mga suspek na sina Rowena Camua, 55, ng Brgy. 103, Maynila, at Lindsay Loterte, 51, residente ng Barrio Bareta, Olongapo City
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Quezon City Police District-District Drug Enforcement Unit ang dalawang ‘tulak’ matapos makum­piskahan ng aabot sa P1,088,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation  sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director PBGen Redrico A. Maranan, ang mga suspek na sina Rowena Camua, 55, ng Brgy. 103, Maynila, at Lindsay Loterte, 51, residente ng Barrio Bareta, Olongapo City

Nauna rito nakatanggap ng tip ang DDEU sa illegal drug peddling activity ang mga suspek.

Dakong alas-4:35 ng madaling araw kahapon nang ikasa ang buy-bust operation sa General Lim, Brgy. Sta Cruz, Quezon City at nagresulta sa pagkakadakip kay Loterte. Nakuha dito ang 105 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P714,000, isang cellphone, bonnet at buy-bust money.

Nauna namang natimbog si Camua sa parehong address at makitaan ng 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000, isang cellular phone, isang coin purse, isang booklet, isang ID card at ang buy-bust money.

Kakasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o “The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002” sa harap ng Quezon City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with