^

Metro

Employer ginapos, ninakawan ng 2 trabahador!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Employer ginapos, ninakawan ng 2 trabahador!
Kinilala ni PLt. Col. Romil Avenido. hepe ng Batasan Police Station (PS 6) ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa naarestong suspek na si Alvin Maca­linao Arzaga, 50, pintor at residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City
STAR/File

‘Di tumupad sa pangakong sahod

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 50-anyos na pintor habang tinutugis pa ang kasawat nito matapos nilang igapos at pagnakawan ang kanilang employer sa Quezon City.

Kinilala ni PLt. Col. Romil Avenido. hepe ng Batasan Police Station (PS 6) ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa naarestong suspek na si Alvin Maca­linao Arzaga, 50, pintor at residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City

Sa rekord ng pulisya, alas-11:20 ng umaga noong Agosto 20, puwersahang pinasok ng mga suspek ang tahanan ng kanilang amo sa No. 7, 3rd Floor, Digos St., Brgy. Batasan Hills, sa lungsod  habang armado ng patalim.

Agad na iginapos ng packaging tape ng mga suspek ang kanilang amo at iba pang mga kasama nito sa bahay saka tinangay ang dalawang cellphone na nagkakahalaga ng P13,000, isang iPad na nagkakahalaga ng P16,000, at P4,000 cash, gayundin ang mga ID at ATM card saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Sa kabila nito, nagawa naman ng biktima na makakalas sa pagkakatali at agad na nagsumbong sa PS-6.

Mabilis na nagres­ponde ang mga operatiba ng PS-6, kasama ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QPCD sa pamumuno ni PMaj. Don Don Llapitan, at nadakip si Arzaga sa San Roque St., Barangay Holy Spirit, noong Agosto 23, alas-4:40 ng hapon.

Nabatid na nagawa lamang umano ng suspek ang pagnanakaw matapos na hindi tumupad ang kanilang employer sa napagkasunduang kabayaran para sa kanilang trabaho.

Inihahanda na ang kaso laban sa pintor habang patuloy na pinag­hahanap ng pulisya ang kasabwat nito.

vuukle comment

ROMIL AVENIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with