^

Metro

P33 milyong breath analyzers pinaiimbestigahan ng LTO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P33 milyong breath analyzers pinaiimbestigahan ng LTO
Pagtiyak ni Mendoza, kung bibili ang LTO ng mga bagong breath analyzers, magiging transpa­rent ang procurement process.
Philsar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang nasa P33.8 milyong halaga ng breath analyzers na binili noong 2015 at 2017 na hindi nagamit.

Ayon may Mendoza, nagsagawa sila ng imbentaryo at lumitaw na 288 lang sa 756 units ang maaaring ayusin at ire-recalibrate.

Lumilitaw na ang unang batch ng 150 units ng breath analyzers noong 2015 ay binili sa halagang ?68,000 kada piraso habang ang pangalawang batch na higit sa 600 units ay binili naman sa halagang ?38,000 bawat isa.

Isinasagawa ang pagsusuri para malaman kung magiging mas praktikal ang pagbili ng mga bagong breath analyzer kaysa ayusin at i-recalibrate ang mga ito.

Ginagamit ang breath analyzers sa mga driver na nasasangkot sa aksidente upang malaman kung ang mga ito nasa impluwensiya ng alak habang nagmamaneho.

Pagtiyak ni Mendoza, kung bibili ang LTO ng mga bagong breath analyzers, magiging transpa­rent ang procurement process.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with