^

Metro

2 huli sa P34 milyong shabu, boga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 huli sa P34 milyong shabu, boga
Kinilala ang mga suspek na si alyas “Boss”,  39, residente ng San Andres, Malate, Manila ; at isang alyas “Jho”, 30, residente rin sa lugar.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Nasa P34 milyong halaga ng shabu, dalawang baril at isang granada ang nasamsam ng mga operatiba ng Sta Ana Police Station ng Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na si alyas “Boss”,  39, residente ng San Andres, Malate, Manila ; at isang alyas “Jho”, 30, residente rin sa lugar.

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Ana Police (Station 6), dakong alas- 9:55 ng gabi  nang malaglag sa pain ang mga suspek na nagbenta ng iligal na droga sa poseur-buyer nang makipagkita sa panulukan ng Del Pilar at M. Roxas St., Brgy. 881, sa  Sta. Ana, Manila.

Sa pangunguna ni P/Lt. Colonel  DionelleBrannon, at P/Capt ­Moises Garcia,at PDEA Agent Allan Capiral, matagumpay na nadakip ang mga suspek at sinamsam sa kanila ang 5 kilo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na 34,000,000.00, Nabawi din ang buy-bust boodle money.

Kinumpiska sa da­lawa ang isang kalibre 45 na may serial number na 116572 at kargado ng 2 magazine na may 14 na bala; isang kalibre 38 na walang serial number at may 5 bala; isang hand grenade; isang Mio MXI motorcycle.

Isasailalaim sa inquest proceedings si alyas Boss sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165, R.A. 10591(Illegal Possession of Firearms and Ammunition, at  R.A 9516 (Illegal possession of explosive), habang si alyas Jho ay ipaghaharap ng paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng RA 9165 at R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition).

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with