^

Metro

Empleyado, todas sa rider

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Empleyado, todas sa rider
Dead on the spot ang biktimang si alyas ‘Darius,’ ng Osorio Lacson St., sa Tondo dahil sa tama ng bala sa katawan, habang nakatakas at tinutugis na ng mga awtoridad ang di pa kilalang suspek na inilarawang nakasuot ng asul na jacket at itim na helmet.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang empleyado ang patay nang barilin ng isang motorcycle rider habang naglalakad sa Tondo, Manila kahapon.

Dead on the spot ang biktimang si alyas ‘Darius,’ ng Osorio Lacson St., sa Tondo dahil sa tama ng bala sa katawan, habang nakatakas at tinutugis na ng mga awtoridad ang di pa kilalang suspek na inilarawang nakasuot ng asul na jacket at itim na helmet.

Lumilitaw sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section na dakong alas-7:55 ng umaga nang maganap ang krimen sa Gerona St., kanto ng N. Zamora St., sa Tondo.

Batay sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad lamang sa lugar ang biktima nang bigla na lang barilin ng suspek, na lulan ng isang asul na Yamaha Mio motorcycle, at mabilis ding tumakas patungong Franco St., bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Nag-iimbestiga na ang mga awtoridad upang matukoy ang identidad ng suspek at ang motibo sa pagpatay.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with