^

Metro

Lalaking nagbebenta ng video ng mga ‘bagets’ sa online arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaking nagbebenta ng video ng mga �bagets� sa online arestado
Ayon kay ACG Acting Director PBGen. Ronnie Francis M. Cariaga, pinangunahan ng Women and Children Cybercrime Protection Unit ng ACG ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas  “Blondie” 54, matapos makatanggap ng ulat mula sa National Center for Missing and Exploited Children hinggil sa mga iligal na aktibidad ng suspek.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Philippine National Police Anti Cybercrime Group ang isang lalaki  na nagbebenta  ng mga malalaswang video ng mga bata at menor-de-edad online.

Ayon kay ACG Acting Director PBGen. Ronnie Francis M. Cariaga, pinangunahan ng Women and Children Cybercrime Protection Unit ng ACG ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas  “Blondie” 54, matapos makatanggap ng ulat mula sa National Center for Missing and Exploited Children hinggil sa mga iligal na aktibidad ng suspek.

Ang warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court Branch 29.

Lumilitaw na natuklasan ang mga online account ng suspek kung saan siya nagbebenta ng mga tinatawag na “bagets” video o mga malalaswang video ng mga menor-de-edad.

Sa isinagawang victim identification ­operation ng mga awtoridad natukoy ang isang 15-taong gulang na biktimang si alyas “Nick”, na tumanggap ng P300 pisong alok ng suspek kapalit ng pakikipagtalik sa kanya, na kinunan ng video ng suspek.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek na nahaharap sa mga kasong Paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act, gayundin sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

“We can help you. Let us help you obtain justice for whatever abuse you may have experienced. Alternatively, we can help remove your compromising videos. Mag-report kayo sa Aleng Pulis Cybersquad,” dagdag ni Cariaga.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with