^

Metro

Holdaper natimbog ng alertong sekyu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Holdaper natimbog ng alertong sekyu
Sa ulat ng Southern Police District (SPD) , nadakip ang suspek na si alyas “Armando,” 44 , habang tinutugis pa sa follow-up operation ang dalawang kasamahan sa panghoholdap na sina alyas”Kalapati”, at alyas “Norby”.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isa na namang security guard ang nagpamalas ng katapangan sa mabilis na pagresponde sa isang babaeng hinoldap matapos maaresto ang isa sa tatlong  kalalakihan, sa Parañaque City Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD) , nadakip ang suspek na si alyas “Armando,” 44 , habang tinutugis pa sa follow-up operation ang dalawang kasamahan sa panghoholdap na sina alyas”Kalapati”, at alyas “Norby”.

Naganap ang insidente dakong alas- 3:00 ng hapon sa Roxas Boulevard kanto ng Bradco Avenue, sa Barangay Tambo, ­Parañaque City.

Sa imbestigasyon, kabababa pa lamang  ang babaeng biktima, 28, sa sinakyang taxi nang lapitan ng tatlong suspek na may hawak na baril at pwersahang inagaw ang kaniyang handbag.

Naalarma ang nakasaksing security guard na naka-duty sa isang establisyemento nang sumigaw ang biktima kaya agad na rumes­ponde dahilan upang habulin at madakip ang isa sa tumatakas na suspek.

Ganap na alas-3:40 ng hapon nang tulu­yang mabawi ng sekyu ang bag ng biktima na naglalaman ng mahahalagang gamit kasama ang baril ng suspek na lumalabas na isa lang replica .45 caliber pistol .

Nakapiit ang suspek sa Parañaque Police Station na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at  Robbery sa Pa­rañaque City Prosecutor’s Office.

Matatandaang nitong Agosto 20, isang “S/G Roco” ng isang fruit market ang nakipagbarilan sa limang holdaper kung saan isa ang napatumba. Siya ay umaani ngayon ng mga parangal, suporta at cash gift mula sa Phi­lippine National Police at ilang nagmagandang loob na mamamayan at grupo.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with