^

Metro

L300 van nadaganan ng dump truck: 16 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
L300 van nadaganan ng dump truck: 16 sugatan
Workers clear the scattered sand along the northbound lane at the corner of C5 and Eastwood Avenue in Quezon City after the dump truck transporting it fell on its side following a vehicular accident with a van on August 21, 2024
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasa 16 katao ang sugatan matapos na banggain at madaganan ng 12 wheeler truck na may kargang buhangin ang isang L300 van sa C5-Eastwood, Quezon City, kahapon ng mada­ling araw.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Que­zon City Police District (QCPD) Traffic Sector, alas-5 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng E. Rodriguez Jr. ng Eastwood, Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Lumilitaw na galing sa C5 Soutbound ang truck na may plakang NHH 7833 na minamaneho ni Ryan Alarcon Rigor at patungo sana ng Laguna para magdeliber ng buhangin.

Sa pag-U turn ng truck ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo sa kanyang harapan kaya agad itong iniwasan ng driver pero nabangga naman nito ang pampasaherong L300 van na minamaneho ni Carlos Jay Santos Paras na galing C5 Northbound at papunta sana ng Marikina.

Dala ng malakas na impact nabasag ang harapan ng 12 wheeler truck habang mistulang latang nayupi naman ang L300 matapos mada­ganan ang bahagi nito.

Sinabi ng mga rescuer, umabot na sa 16 na sakay ng van, kabilang ang driver nito ang isinugod nila sa iba’t ibang ospital na pawang nagtamo ng mga sugat at bali sa katawan.

Naging pahirapan naman sa mga tauhan ng Road Emergency Team ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), ang pag-alis sa truck na may kargang buhangin at L300 sa lugar nang pinangyarihan ng aksidente.

Ilang beses nang tinangkang iangat ang truck at L300 pero hindi ito kinakaya dahil sa bigat kaya gumagamit na ang mga rescuer ng fork lift, boom truck at tow truck para maialis ang dalawang sasakyan.

Gumamit na rin ng cutter ang mga rescuer para ma-chop-chop ang L300 at nakuha harapang bahagi nito habang naiwan pa ang katawan na dinaganan ng truck.

Nagsasagawa pa rin imbestigasyon ang pulisya.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with