^

Metro

Kelot, timbog sa granada at gun replica

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kelot, timbog sa granada at gun replica
Ang suspek ay kinilala lang ng mga awtoridad sa alyas na ‘Rigor,’ 33, residente ng Brgy. Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.
Pulis Las Piñas (Tagapag-Ugnay)/Facebook page

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaki matapos na mahulihan ng granada at gun replica sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa Las Piñas City, kamakalawa.

Ang suspek ay kinilala lang ng mga awtoridad sa alyas na ‘Rigor,’ 33, residente ng Brgy. Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.

Batay sa ulat ng Las Piñas City Police Station Intelligence Section (SIS), nabatid na dakong alas-7:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa naturang barangay.

Nauna rito, nagsasagawa umano ang mga awtoridad ng casing at surveillance operation sa naturang lugar nang maka-engkwentro ang suspek habang may hawak na armas.

Kaagad namang umaksiyon ang mga alagad ng batas at hinuli ang suspek, na nang kapkapan ay nahulihan ng isang granada  at gun replica sa kanyang sling bag.

Nakapiit na si Rigor na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with