^

Metro

Babae patay sa sunog sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Babae patay sa sunog sa Caloocan
Firefighters respond to a first alarm fire that hit the area of D. Arellano Street in Bagong Barrio, Caloocan City on July 23, 2024.
Photo courtesy of Transcend Fire and Rescue Volunteer, Inc./Fire and Rescue Alert Responders

MANILA, Philippines — Isang babae ang kumpirmadong patay matapos na sumiklab ang sunog sa Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City kahapon ng  madaling araw.

Ayon kay SFO4 Bene­dicto Tudla ng Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog dakong alas-4 ng madaling araw sa Arellano St.

Hindi na nakalabas ang 58-anyos na biktima mula sa nasusunog na bahay na umano’y gumagamit lamang ng kandila.

Nailigtas naman ang isang batang lalaki.

Mabilis na kumalat ang apoy kung saan nadamay ang ilan pang kabahayan.

Mangiyak-ngiyak naman ang mga nawalan ng tirahan dahil sa wala silang naisalbang gamit kabilang ang isang dialysis patient.

Idineklarang fire out ang sunog dakong alas-6 ng umaga habang tinatayang nasa P200,000 ang  danyos ng sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with