^

Metro

SONA sasabayan ng tigil pasada ng Manibela

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SONA sasabayan ng tigil pasada ng Manibela
Ang mga effigies na tinawag na “Umbagang Pilipinas” at “Bolang Pilipinas,” na gagamitin ng mga militante sa kanilang kilos protesta ngayong araw kasabay ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kuha ni Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakatakdang maglunsad ng panibagong transport strike ang grupong Manibela kasabay na rin nang nakatakdang pagdaraos ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena, aabot sa 4,000 miyembro nito sa Metro Manila ang makikiisa sa transport strike na ikakasa nila laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ngayong araw.

Nabatid na sisimulan ng grupo ang kanilang protesta ngayong tanghali, sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Diliman, Quezon City.

Bukod sa Metro Manila, inaasahang magdaraos din ang Manibela ng transport strike sa Baguio City; Pangasinan; Naga City, Camarines Sur; at maging sa Visayas at Davao Region.

Una nang inianunsiyo ni Pang. Marcos na hindi na palalawigin pa ng pamahalaan ang PUV consolidation na unang bahagi ng PUVMP, na nagtapos na noong Abril 30, 2024.

Ang lahat naman ng mga PUVs na bigong mag-consolidate sa korporasyon o koo­peratiba ay ikokonsi­dera nang kolorum ng mga awtoridad kaya’t maaari nang hulihin sa sandaling bumiyahe at mamasada.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with