^

Metro

Number coding ‘di suspendido sa araw ng SONA – MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Number coding �di suspendido sa araw ng SONA � MMDA
“We received inqui­ries if the number coding scheme will be suspended. We will not suspend it because if we do, tataas ang volume ng sasakyan at lalala ang traffic jams,” ani MMDA acting chairman Romando Artes.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Ipatutupad pa rin ang number coding ngayong araw kasabay ng ika-3 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“We received inqui­ries if the number coding scheme will be suspended. We will not suspend it because if we do, tataas ang volume ng sasakyan at lalala ang traffic jams,” ani MMDA acting chairman Romando Artes.

Batay sa MMDA traffic plan para sa SONA 2024, isang zipper lane ang bubuksan sa southbound portion ng Commonwealth Avenue para sa mga bisita at opisyal.

Isasara naman ang Batasan-IBP Road simula alas-8:00 ng umaga.

May mga alternatibong ruta naman na maaring gamitin ng mga motorista.

Ang mga sasakyang patungo sa timog na magmumula sa Commonwealth Avenue ay pinayuhan na dumaan sa Sauyo Road o Quirino Highway, pagkatapos ay kumaliwa sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay isa pang kaliwa sa North Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga light vehicles naman na magmumula sa C5 Road ay pinayuhan na kumaliwa sa Magiting St., kanan sa Maginhawa St., at kumaliwa sa Mayaman St. hanggang Kalayaan Avenue para makara­ting sa kanilang destinasyon.

Ang mga trak na manggagaling sa C-5 sa kahabaan ng Katipunan Avenue ay dapat dumaan sa Luzon Flyover at pagkatapos ay kumaliwa sa Congressional Avenue.

Magde-deploy ang MMDA ng mahigit 1,320 personnel para sa traffic management, road clearing, at crowd control.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with