^

Metro

MMDA, nakiisa sa Brigada Eskwela Kick-Off Program sa Quezon City

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA, nakiisa sa Brigada Eskwela Kick-Off Program sa Quezon City
Pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara, Quezon City Mayor Joy Belmonte, MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, Quezon City 2nd District Representative Ralph Tulfo at iba pang opisyal ang pagpipintura ng mga silya sa Commonwealth Elementary School bilang bahagi ng Brigada Eskwela 2024 kung saan magsisimula ang klase sa Hulyo 29.
Miguel Antonio De Guzman

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa pagbubukas ng mga klase, nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa “Brigada Eskwela” Kick-Off program ng Department of Education (DepEd) na may temang “Bayanihan Para Sa Matatag na Paaralan” na pinangunahan ng bagong  talagang  Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at District II Representative Ralph Tulfo sa Commonwealth Elementary School at Bagong Silangan High School.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes ang pakikilahok ng ahensya sa Brigada Eskwela ay patunay ng dedikas­yon at pangako ng ahensya na mag-ambag sa pagpapahusay ng mga pasilidad ng paaralan at paglikha ng mas magandang kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral.

Naghayag din ng suporta si Artes kay Angara bilang bagong pinuno ng DepEd dahil kilala siya na may adbokasiya sa edukasyon, health, at social welfare.

Ibinahagi rin ni Angara na ang unang mar­ching order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kanya ay unahin ang mga concern ng mga guro, na “they are the heart of our educational system.”

Si Angara, kasama sina Artes, Belmonte, at Tulfo ay pumirma sa Wall of Commitment at ang turnover ng mga telebis­yon at school supplies.

Samantala, ang mga tauhan ng MMDA mula sa iba’t ibang tanggapan tulad ng Flood Control and Sewerage Ma­nagement Office, Health, Public Safety, and Environmental Protection Office, Sidewalk Clearing Operations Group, at Traffic Engineering Center ay nagsagawa ng iba’t ibang aktibidad tulad ng declogging ng mga drainage; pagpipinta ng mga facade ng paaralan; trimming at pruning ng mga puno; pagpipinta ng mga daanan ng pedestrian; misting o anti-dengue operations; fogging, paglilinis, pag-declogging ng kanal sa bubong, pagkukumpuni ng mga kasangkapan at mga kabit tulad ng mga pinto, bakod, upuan, mesa, at pisara; at paglalagay ng bawal manigarilyo at walang vaping signage sa mga paaralan.

Sa kanyang bahagi, nagpahayag ng pasa­salamat si Belmonte sa MMDA hindi lamang sa tulong nito sa pagsa­saayos ng mga institusyon kundi sa walang patid na suporta at koordinasyon ng ahensya sa lahat ng mga proyekto at programa ng lungsod.

vuukle comment

MMDA

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with