^

Metro

Bentahan ng vape online ipinatigil ng DTI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bentahan ng vape online ipinatigil ng DTI
Ito’y kasunod ng pakikipagdiyalogo na sinimulan ng DTI kasama ang mga high-level stakeholders sa industriya kabilang ang mga manufacturer, importer at distributor na pinangunahan ni DTI Secretary Pascual.
Wikimedia Commons / Lindsay Fox

MANILA, Philippines — Sa layuning protektahan ang kabataan at bigyang prayoridad ang kalusugan ng publiko, nilagdaan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual nitong Sabado (Hulyo 20) ang Department Administrative Order (DAO) No. 24-03, series of 2023 o  agarang pagsuspinde o “effective immediately” sa pagbebenta ng vapor products, vapor product device, at vapor product system sa mga marketplace.

Ito’y kasunod ng pakikipagdiyalogo na sinimulan ng DTI kasama ang mga high-level stakeholders sa industriya kabilang ang mga manufacturer, importer at distributor na pinangunahan ni DTI Secretary Pascual.

Binigyan-diin ni Pascual ang pangangaila­ngan para sa  matatag na sistema ng pagsubaybay upang pangasiwaan ang paggalaw ng mga produkto mula sa mga importer hanggang sa mga retailer, pagiging responsable ang mga manufacturer at importer para sa mga ilegal o depektibong produkto, hindi lamang sa mga retailer, at pagtiyak na ang mga distributor ay turuan ang mga retailer sa mga limitasyon at paghihigpit ng batas upang matiyak ang compliance.

“The protection of our youth is non-negotiable. The proliferation of vapor products on online marketplaces has made these harmful substances easily accessible to minors, posing a significant threat to their health and well-being. This suspension is a necessary step to curb this alarming trend,”ani Pascual.

Ang desisyon ng DTI ay nakaangkla sa mga probisyon ng Republic Act (RA) No. 11900, na kilala rin bilang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act. Ang batas na ito ay nag-uutos ng mga hakbang upang pigilan ang mga menor de edad na ma-access ang vape products, lalo na sa pamamagitan ng mga online na channel. Ang pagsususpinde ay umaayon din sa pa­ngako ng pamahalaan sa pagtataguyod ng isang malusog na kapaligiran at pagprotekta sa mga mamamayan mula sa mga potensyal na pa­nganib na nauugnay sa mga produktong ito.

Patuloy na makikipagtulungan ang kagawaran sa mga kaugnay na ahensya upang subaybayan ang industriya ng vape at magpatupad ng mahigpit na mga hakbang upang matiyak ang pagsunod sa RA 11900.

Ang Task Force Kalasag ng DTI ay gumawa ng makabuluhang hakbang sa pag-regulate sa industriya ng vape, na nagresulta sa pagpapalabas ng 78 notice of violation at pagkumpiska ng 64,359 violative vape products na nagkakahalaga ng P 29,487,100.00 simula nang itatag noong Abril.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with