^

Metro

MPV sinalpok ang trailer truck, driver dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MPV sinalpok ang trailer truck, driver dedo
Dead-on-the-spot ang biktimang inaalam pa ang pangalan dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Isang driver ang patay nang bumangga ang minamaneho niyang multi-purpose vehicle (MPV) sa isang nakaparadang trailer truck sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang inaalam pa ang pangalan dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.

Lumilitaw sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), na dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa northbound ng Mel Lopez Boulevard, malapit sa kanto ng Moriones St., sa Tondo.

Nauna rito, minamaneho ng biktima ang isang itim na Mitsubishi expander (NGX 5776) at binabagtas ang northbound lane ng Mel Lopez Blvd. nang pagsapit sa kanto ng Moriones St., ay bigla na lang nitong salpukin ang trailer truck, na may plakang AAR 2235, na nakaparada pala sa lugar at minamaneho ni Jomar Generaldo, ng Malinta, Valenzuela City.

Sa tindi ng impact nang pagkakabangga, yupi ang harapang bahagi ng MPV, na agarang ikinasawi ng biktima, na inilarawan lamang na nasa edad 40 hanggang 50-anyos, at nakasuot ng guhitang polo.

Sinasabing ipinarada ng driver ang truck sa naturang lugar upang matulog sana at magpahinga.

vuukle comment

MPV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with