^

Metro

Chinese casino financier, timbog sa ‘kidnapping’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese casino financier, timbog sa �kidnapping�
Ang casino financier na si Song Pen Ren alyas “Luo Jie” matapos maaresto ng MPD dahil sa umano’y pagdukot sa kababayan.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Chinese national na casino financier habang pinaghahanap pa ang apat niyang kasabwat matapos ikulong sa hindi mabayarang utang sa pagsusugal ang isang kababayan sa Malate, Maynila, iniulat kahapon.

Ang suspek na dinakip ay kinilalang si alyas Song Pen Ren alyas “Luo Jie”, 35-anyos, nanunuluyan sa isang condominium sa Adriatico, sa Malate. Siya ay isinailalim na sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code (Illegal Detention and Kidnapping) at Art. 293 ng RPD (Robbery).

Ang na-rescue na si Luo Jing alyas “Jun Cheng”, 35-anyos, ang positibong kumilala sa suspek nang iharap sa Manila Police District-General Assignment and Investigation nitong Hunyo 29.

Sa reklamo, noong Hunyo 28 magkasama si Cheng at Yang Jinwen na nagtungo sa Sheraton Hotel, kung saan pumasok ang huli sa isang bar at uminom ng alak si Cheng at dumiretso sa loob ng casino.

Nagulat si Jinwen nang mag-message sa telegram apps si Cheng na siya ay hindi pinalalabas ng casino ng grupo ng kalalakihan dahil sa utang na P200-K na nauwi sa P500-K dahil sa interes.

Humingi ng tulong sa MPD si Jinwen at kaibigang si Fu Qiang kaya isinagawa ang operasyon alas 3:00 ng madaling araw noong Hunyo 29, na nagresulta sa pagdakip kay Luo Jie at natagpuan din ang biktima.

Sa imbestigasyon, natukoy na may dalawang Pinoy at 2 Chinese nationals ang kasabwat ni Luo Jie sa pagkidnap kay Cheng.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with