^

Metro

Ex-OFW sinakal ng sinturon ni mister, patay!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ex-OFW sinakal ng sinturon ni mister, patay!
Kinilala ang biktima na si Flordeliza Talaro, residente ng Unit 3 584-7A Gumamela St., Malate habang nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek na si Jhunrey Bastasa, 33-anyos, contruction worker, tubong Davao del Norte at residente sa nasabi ring lugar.
STAR/File

Secret caller pinagseselosan

MANILA, Philippines — Patay ang isang 27-anyos na dating overseas Filipino worker (OFW) nang sakalin ng kaniyang live-in partner gamit ang isang sinturon dahil umano sa matinding selos sa Malate, Maynila, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Flordeliza Talaro, residente ng Unit 3 584-7A Gumamela St., Malate habang nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek na si Jhunrey Bastasa, 33-anyos, contruction worker, tubong Davao del Norte at residente sa nasabi ring lugar.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 8:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng magkalive-in sa Malate, Maynila.

Nag-iinuman umano ang dalawa sa kanilang inuupahang unit nang marinig ng kapitbahay ang kanilang pagtatalo. Nang silipin ng isang ginang, nakitang sinasakal na ng lalaki ang biktima at nang makita siya ay dali-dali siyang bumaba dahil sa takot.

Rumesponde naman ang awtoridad at dinatnan nila na nakadapa ang biktima at nang suriin ang pulso ay wala nang tibok at nag-iba na ang kulay ng katawan.

Isang nylon belt ang pinaniniwalaang ginamit sa pananakal sa ginang.

Sumuko naman ang suspek makaraan ang tatlong oras sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos ang krimen.

Ayon kay Rodolfo Tecson Jr., Administrative Assistant IV ng MDRRMO, ang suspek ay medyo amoy alak at halata sa mukha ang pagkatuliro nang lumutang sa kanilang tanggapan.

Ayon sa suspek, nagdilim ang kaniyang pani­ngin dahil sa ginawa ng kinakasama, gayung pagod siya mula sa trabaho.

Habang hawak na ng pulisya, kusang umamin ang suspek na nasakal niya ang kinakasama.

“Nandoon na siya, lasing. Tapos pagdating ko naman, sinabuyan niya ako ng tubig. Sabi niya sa akin iinom pa raw siya, tapos ayun bumili ako. Naubos ‘yung isang bote, ‘yung panga­lawa na binuksan ko, sina­buyan niya ako ulit,” ayon sa suspek.

Aminado ang suspek na pinag-aawayan nila ang palaging may lihim na kausap sa cellphone ang kinakasama at idinadahilan na taga-agency lang.

Ayon kay MPD-Homicide Chief, P/Capt. Dennis Turla, may dalawang anak ang biktima at suspek na 8 at 9-taong gulang.

Dati nang naghiwalay ang biktima at suspek at muling nagsama.

Inihahanda na ang kasong murder na isasampa laban sa suspek na nakapiit sa MPD-Homcide Section facility.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with