^

Metro

Taas-presyo ng petrolyo, larga ngayon

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Taas-presyo ng petrolyo, larga ngayon
Ayon sa abiso ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. simula ngayong martes ay magtataas sila ng presyo ng produktong gasolina ng 95 centavos kada litro, 65 centavos kada litro sa diesel at 35 centavos kada litro ng kerosene.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Ipatutupad na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong araw.

Ayon sa abiso ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. simula ngayong martes ay magtataas sila ng presyo ng produktong gasolina ng 95 centavos kada litro, 65 centavos kada litro sa diesel at 35 centavos kada litro ng kerosene.

Ayon sa Cleanfuel at Petro Gazz ganito rin ang taas-presyong ipatutupad nila sa produktong gasolina at diesel.

Ang oil price adjustment ay epektibo ng alas-6 ng umaga ngayong Martes maliban sa Cleanfuel na magsisimulang magtaas presyo ng petrolyo ng ganap na alas-4:01 ng hapon ng nasabi ring araw.

Sinasabing ang bagong oil price hike ay dulot nang epekto nang nagdaang apat na araw na bentahan ng petrolyo sa merkado.

Wala namang abiso ang ibang oil players kaugnay sa oil price adjustment.

vuukle comment

FUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with