^

Metro

Lady rider salpok sa poste, tumilapon sa flyover, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lady rider salpok sa poste, tumilapon sa flyover, patay
Idineklarang patay ni Dr. Dememar Jill Payot ng Makati Search and Rescue Ambulance, ang biktimang si alyas na “Rochelle”, 24-anyos, empleyada at  residente ng Pembo, Taguig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang babaeng naka-motorsiklo nang mabagok ang ulo sa pagtilapon nang bumangga sa gutter at poste sa Buendia Flyover, Makati City, Linggo ng umaga.

Idineklarang patay ni Dr. Dememar Jill Payot ng Makati Search and Rescue Ambulance, ang biktimang si alyas na “Rochelle”, 24-anyos, empleyada at  residente ng Pembo, Taguig City.

Sa ulat ng Vehicular Traffic Investigation Unit ng Makati Traffic Bureau, dakong alas-5:30 ng umaga ng Hunyo 30, nang mangyari ang self-accident sa pakurbang bahagi ng EDSA Buendia-Kalayaan Flyover eastbound lane, bahagi ng Barangay Pinagkaisahan, Makati.

Sa imbestigasyon, galing sa Sen. Gil Pu­yat Avenue patungo sa Bonifacio Global City (BGC) ang biktima na nagmamaneho ng Yamaha Aerox, nang gilid na gilid umano ito sa kaliwang bahagi ng eastbound lane ay nawalan na ng control at  nasadsad sa sementadong gutter na lalo pang nawalan ng control at binangga pa ang bakal na street light.

Dahil sa impact, tumilapon sa kalye ang biktima, nabagok at tumama ang ulo sa sementadong kalye, at tumalsik din ng ilang metro ang suot na helmet. Nagkaroon din ng pinsala ang motorsiklo.

Rumesponde sa lugar ang dalawang traffic enforcer, ambulansya ng Makati City government, at mga tauhan ng VTIU ng Makati Traffic Bureau.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with