^

Metro

QCRTC nag-isyu ng ‘go signal’ sa PNP sa pagsuri sa mga gamit ng Chinese spy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
QCRTC nag-isyu ng �go signal� sa PNP sa pagsuri sa mga gamit ng Chinese spy
Batay sa inilabas na Warrant to Examine Computer Data ng QCRTC Branch 90, maaari nang sumailalim sa digital forensic examination ang mga high-tech na gamit na nakumpiska sa isa umanong Chinese spy sa Makati noong nakaraang buwan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang  Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group na eksaminin ang mga kagamitan ng  umano’y “spy” na nakumpiska sa naarestong Chinese noong nakaraang buwan sa Makati City.

Batay sa inilabas na  Warrant to Examine Computer Data ng QCRTC Branch 90, maaari nang  sumailalim sa digital forensic examination ang mga high-tech na gamit na nakumpiska sa isa umanong Chinese spy sa Makati noong nakaraang  buwan.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region Chief Police Col. Joel Ana, nai-turn over na nila sa PNP Anti-Cybercrime Group ang mga gamit na subject ng warrant.

Kinakailangan kasi nila itong ipatupad agad-agad dahil 10 araw lamang ang binigay na palugit ng korte.

Kabilang sa mga pinasusuri ng CIDG sa ACG ang mga cellphone, antenna system, radio receiver/transmitter, router, aerial drone, pati na ang tablet at laptop ng Chinese.

Nabatid na naantala ang digital forensic examination sa naturang mga gamit dahil sa Warrant to Disclose Computer Data at hindi Warrant to Examine ang inilabas ng Makati RTC Branch 148 kaya kinailangan pa ng CIDG na mag-apply nito sa ibang korte.

Kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng CIDG sa loob ng Camp Crame ang Chinese na nahuli pero inaayos na rin ang paglilipat nito sa PNP Custodial Facility.

vuukle comment

QCRTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with